Search Thy Haven

Tuesday, October 18, 2011

Ate Leslie’s POV


October 18,2011 - Tuesday
7:10am

Ate Leslie’s POV (Ate Wiggles)
BSP-2A (Lesliefin Unera Mercado)

     Una sa lahat, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sulat na to, hindi naman kasi ako mahilig mag-blog at saka hindi ako expressive na tao, pagdating sa emotions ko, mag-isa lang akong hinaharap ito, hindi ko sinasabi sa iba ang feelings ko kasi hindi ako komportableng pag-usapan yun kaya ganun..

     Pasensya na kung walang unity at coherence ang mga maisusulat ko ditto. Pasensya na rin sa pangit na handwriting at if ever may wrong spelling sorry rin.

     Hindi ko muna iniuna ito sa mga gawain ko, Finals kasi kaya ayun, nagmamadali akong magsulat ngayon. Hehe…

(Let me clear myself to you first)

     Pasensya ka na Royce kung madalas kitang awayin at asarin. Hindi ko rin kasi alam kung paano ako kikilos sa harap mo, hirap rin palang dalahin ang titulong “Unified” pero sana maunawaan mong hindi naman ng lahat ng galing sa school na yun pare-pareho. [Kung maka-school na yun naman eh noh! XD] Ung “hindi ko alam kung paano ako kikilos sa harap mo” statement, hindi ko kasi sigurado kung anong magiging dating sa’yo ng mga statement/words ko. Baka kasi magalit ka, masaktan ka, but unfortunately, ayun nga ang nangyayari eh, nimalayan ko bang di pala patok jokes ko sayo.. [haha…] pasensya na kung wala akong sense of humor haha!
     Tska nga pla ung dun sa Foodcourt yung sa hindi pagtawag ng ate thing, hindi ako galit, naiinis lang ako, sana nung pinaliwanag sa’yo ni jem yung side ko sana naintindihan mo na, nais ko ring kuhanin ang uportunidad na ito para sabihin sa’yo ang mga bagay na hindi ko nasasabi sa’yo [o ayan, magpapakaexpressive muna ako… XD]

     May mga pagkakataon rin na minsan nasasaktan ako sa’yo, sa mga sinasabi mo, minsan nasasaktan ako, kaya in return, tinatarayan kita, yun kasi ang way ko ng paglalabas ng nararamdaman, not-straight to the point na ang nangyayari nagkakasakitan tayo.
     SORRY HA!!! Yaan mo, mas magiging understanding na ako. PWAMIS! :’) :D XD :> :]

..Okay para naman sa mga nagdaan na nangyari sa buhay mo.

     Ung unang part alam ko na dati diba, but mas naintindihan ko na sya for the second time (binasa ko ulit. Haha)

     Sana bago ka magPSYCH magkaayos na kayo ng classmates mo, paano, dehins ko rin alam eh… Pero sana pa rin. Ung sa hotseat2x things… Wag kang mag-alala naranasan ko nay an, I just thought lahat ng naranasan mo sa KLASE (Klase lang di kasama yung friends at lovelife mo. :)) naranasan ko na… Haha, mahirap talaga mapunta sa sitwasyong ganon, but unlike you, ipinaliwanag ko yung side ko, nung binabasa ko yung part na iyon, naiinis ako kasi di ka man lang nagsalita, grabe lang. Hayyy!

     Dun naman sa lovelife mo, ahm. Grabe lang… Isipin mo na lang may mas deserving jan sa pagmamahal mo hindi sila/siya, kaya don’t be sad, alam kong masakit at mahirap, pero i-apply na lang natin ung “sour-graping” principle, hindi siya napunta sa’yo dahil hindi siya karapat-dapat na mahalin mo, kasi hindi magiging patas, anu yan?! Ikaw lang ang magmamahal, nagbibigay? Dapat meron ka rin [pero hindi ko sinasabing magdamot ka’t isipin lang ang sarili mo, ibalanse mo lang]. Pag nagmahal ka, ito lang masasabi ko, magtira ka para sa sarili mo, wag mong ibigay lahat, kasi ikaw lang rin masasaktan… Okay?

     Dun naman sa field trip niyo in connection sa 3 month rule, sana di ka na lang sumama sa field trip o di ba?... haha… joke… wala lang… Nanghihinayang ako… sobra… :(.

     Sa mga taong walang ginagawa kundi saktan ka ng sobra at awayin ka ng SOBRA, ito lang masasabi ko… Dumating sila sa buhay mo dahil may dahilan, maaring nasaktan ka pero gawin mo silang inspirasyon para maging mas malakas (I mean strong) na tao, ipakita mong hindi ka matitinag dahil lang doon, kung hinihila ka nila pababa, sipain mo sila [not literal ha] at pagnadapa ka, bumangon ka, bumangon kang muli, ipakita mong mali sila dahil hindi ka kagaya ng inaakala nila.

[Alam mo Royce, nakikita ko sa’yo ang dating ako, totoo yun, pero kagaya ng sinabi ko, bumangon ka.]

WAG KANG MASYADONG MAGPA-APEKTO SA KANILA dahil pag masyado kang nagpaapekto ikaw rin ang talo. Remember that.

Dun naman sa iyong Binge Eating Disorder a.k.a Royce Syndrome nabibigla lang naman kasi ako, ang takaw mo kasi! Sa liit mong yan, ganon kalaki ang iyong appetite, grabe lang. (^^)V


Ngayong araw…

4am nakatulog ako.
6am nagising ako, pinagpatuloy ang pagbabasa ng Blog ni Peppermint.
At time check: 8:00am, nakow, late na akow, liligo na ako… hehe. :)

P.S.
Si Royce…

     Sensitive(Super), Makulit, Poker Face[Peace], lastikman, IMBA ang talino, Emotional, Fragile :D Nanunulak, maalaga sa katawan[dinaig pa ako eh!], nakakatuwa… :D

     Nga pala, cguro may isang taong gusto kang maging INDEPENDENT kaya ganun, don’t misinterpret kung nalayo sa’yo ang isang tao, pero sa bagay depende naman yun sa situation…

     Sya cge na! (Oki nakow hahaha :D)

     <3 I LOVE YOU ROYCE <3


ð  LESLIEFIN U. MERCADO 

Saturday, October 15, 2011

A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances


44

A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances
(A Resilient Recovery after Some Stressful Circumstances)
                                                            
October 15,2011;Friday

        MagoOVERNIGHT ako ngayon kina Mommy Jem for the FINALS! Whooh! 2nd time na ng pagoOVERNIGHT pero 1st time kong makakapunta kina MOMMY! Waa. Excited! XD
          10:30am. Pumasok ako sa school. Nakasalubong ko sina Kuya Rogem at Kuya JC. Sumama daw ako at manonood ng Variety Show sa MPH (Multi-Purpose Hall) at nandun din daw ang BSP Family ko. Future, I mean. Hehe.

          11:30am. Habang nanonood kami ang kulit nina Mother Elaine. Inay Kenna, at Tita Ana dun sa itinuro kong SUNDAE Handshake. XD Kakatuwa si Mother eh. Paulit-ulit laang. XD

          11:45am. Natapos ang Variety Show at kumain kami ng CANDIES Family sa Food Court.

          12:00pm. Nagclass kami sa VALONE and this would be our last class sa VALONE. Grabe lang eh. Wanna know what happened?

          Around 1:10pm. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan dahil nagsiar ako. Una ko agad narinig ang name ko…

          Si Mary, seating on a chair at the center aisle of the room. Tinanong ko mga classmates ko kung anong meron. Sharing lang daw. Oh, kaya pala.

          Nagsorry sa’kin si Mary sa lahat daw ng mga nagawa niyang masakit sa’kin.

          Next to speak up, Pau, nagsabi din siya ng mga insights/experiences niya sa first semester na ‘to.

          Next was our NEW PRESIDENT-ELECT na si Almeda(Mark Louie Almeda – Ex-Vice President), nagshare din siya ng mga nagging experiences niya bilang President.

          Sumunod naman si Eva, isiniwalat niya naman ang kanyang mga kamalian at ang mga natutunan niya sa mga nangyari ngayong sem. na ‘to.

          Kilala niyo sumunod? Eh di AKO! XD Huwaw. Intense lang ang feeling nung turn ko na. Grabe lang. Hays.

          San ba ako nagsimula? Well, sinumulan ko ang pagshashare ko sa kung paano nagsimula ang lahat…

          First Day…
                   First Meeting…

                             Conflicts…

                                      Experiences…

EVERYTHING…

          Dala-dala ko ang blog notebook ko nung nagshashare ako. Habang ishinishare ko ang mga nagging experiences ko bilang “President” nila for almost 3 months. Nakikita ko sa kanila ang hindi malamang expression na ngayon ko lang nakita. Para bang magkahalong awa, tuwa, saya, poot at galit na pinagsama-sama. Para bang heto ‘yung nagging resulta ng lahat ng mga pinagdaanan ko bilang President ng class na ‘to. In an instance, naisip ko. Parang dati, tumutulay ako sa tulay na walang hawakan at isang pagkakamali mo lamang ay maaari kang malaglag. Pero ngayon, natatamasa ko ang aking mga natapos na pinaghirapan. Natuwa ako sa self-actualization na ‘to. =) Natahimik ako at napaisip sa isang banda sa aking buhay na hindi ko lubos maisip na madami pala akong matututunan.

          Tapos, pinatayo ko ngayon ang bagong president naming na si Louie. Nagpasalamat ako, dahil sa bigat at dami ng naiwanan kong trabaho sa kanya, kinaya niya at nagawa niya ng maayos ang naiwan kong responsibility sa kanya. Nagsosorry ako, dahil hindi ako naging effective or rather hindi ko masyadong naihanda ang sarili ko sa responsibilidad na pinanghahawakan ko dati na ngayo’y na sa kanya na.

          Pinatayo ko naman ang mga Class Officers na sina Mary, Rienzy, Larraine, Josef, Erica, Oneal, at Pau. Nagpasalamat ako sa suporta at tulong na nagawa nila para sa klase.

          Tapos pinatayo ko ang buong class ng ICT-1B at pinaggroup hug ko sila sa mga hindi nila malilimutang tao sa buhay nila upon taking this first semester. Naggroup hug din kami as a remembrance na walang magkakaaway sa aming lahat.

          Lastly, for my final message to them. Kasi alam kong hindi ko na sila makakasama next sem. Kaya heto ang aking blessing at guidance message ko para sa kanila…
          “First of all, gusto kong sabihin sa inyo na sobra akong nagpapasalamat and at the same time, nagsosorry kasi kung hindi dahil sa inyo. Hindi ko malalaman ang mas dapat kong kilalanin sa sarili at pagkatao ko. Higit sa lahat, salamat sa mga naging aral na naituro niyo sa akin bilang dating President eng class na ito. I just wish this class, ICT-1B, would be more united in the next semesters to come. Be UNITED and be STRONG for everyone! Maraming Salamat sa inyong lahat!”

          After that remarkable speech, I was relieved. Feeling ko wala na akong dapat pang ipaliwanag at feeling ko, I have no more responsibility upon this class. I’m FREE! =)

          Pagkatapos nun, sumunod na din ang iba kong mga kaklase. Hays. Napakamemorable at unforgettable ng experience ko sa VALONE! Thanks to our facilitator, Bro. Boy!

          2:30pm. Kumain kami nina Mommy Jem (Mommy HERSHEY’s) sa Food Court. Ikinuwento ko din sa kanila ‘yung nangyari kanina sa aming VALONE. =))

          3:30pm. Nawalan kami ng class sa ALGEB at nagpunta na ako sa Library dahil gumagawa sina Mommy ng thesis nila.

          All throughout, kilig much na patayo ang eksena ni Ninang Nips (Ninang Hanna) sa crush at inspiration niya na classmate niyang si “Balloon Boy” (tawag naming sa kanya), si Kuya Jerome.

          Panay ang silayan at titigan moment nilang dalawa at saksi ako dyan! XD Haha. Grabe si Ninang kapag kinikilig namimisil ng braso! Tsss. XD Halatang pigil na pigil! Ayt! Ang pula na ng braso ko eh! Haha.

          4:30pm. Nagpasya kaming kumain muna ulit dahil naubos ata ang energy ni Ninang sa pagkakilig niya. Haha. Nang biglang sinabi ni Mommy na pabantayan muna ng mga gamit naming kay Kuya Jerome, saba’y sabi ni Kuya ng…

          “Sige ba. Para makabawi man lang kay Hanna.” Oh Oh! Hohoho. What can you say about that Ninang!? XD >:D< (^o^).V..

          Di malaman ang expression ni Ninang nung narinig niya ‘yun eh. Hanggang sa makalabas kami ng Library papuntang Food Court, hindi pa din makapaniwala si Ninang sa nangyari. Oh yes. She was DUMBFOUNDED! XD Kakatuwa! Hahaha.

          5:00pm. Bumalik na kami sa Library. As usual, kilig much pa rin si Ninang! XD Haha. May pinag-usapan pa nga kami sa likod nung algebra manual. XD Haha. Peace ALGEBRA! XD

PEPPERMINT: Makinang ba o Tunaw ka na? XD
Ninang Nips: Makinang! Hehe. Makinang ba yung kanya? :)
PEPPERMINT: Halata ka ineng este Ninang. Parehas lang na kumikinang parang may spark between your eyes eh. Haha. XD
Ninang Nips: Between my eyes and his? Hahaha! Ang saya ko talaga. :]
PEPPERMINT: Oo. Haha. Soya mo lang talaga. Wagas ang ngiti pati sa mata! Hahaha! Meron ba nun? IMBA lang. Inspired ka noh? XD
Ninang Nips: SOBRA :) SANA WALANG SEMBREAK :)

>>END<<

MASAYA NA AT WAGAS NA WAGAS SI NINANG NIPS! =))))) XD

          6:15pm. Nakalabas na kami ng school nina Mommy, Ninang, Ate Leslie, at Kapatid Marian. (Absent sina Pinsan Janet at Pinsan Odette) Wee. Pupunta na kami kina Mommy Jem’s house! XD

          8:30pm. Grabe! Isang nakakawindang na biyahe iyon at at last! Nakarating din kami sa aming paroroonan! Layo lang grabe!

          Pagkadating na pagkadating namin, agad kaming pinakain ng Family ni Mommy Jem. Sobrang hospitable naman ng parents at ng mga relatives ni Mommy. =)) Kainggit much. Pssh. Tss (-______________-)

          Pinaakyat na kami ng Mommy(Lola) ni Mommy Jem sa kwarto sa taas para makapagbihis. Habang hinuhubad ko ‘yung medyas ko...

          “Ay nahiya naman ako sa paa ni Royce! Hahaha!” Si Ninang Hanna! Tawa ng tawa! XD

          Ayan at nakita din ni Mommy Jem ‘yung paa ko at tumawa din siya ng tumawa. Tsss. XD
          “Wow! Ang puti ng paa ng anak ko. Nakakahiya naman ‘yung sa amin! Hahaha.”

          “Aa naman! Kayo nga’y magbihis na at mag-aaral pa tayo! Marami pa tayong dapat gawin!” Ang pula ng mukha ko dahil sa kahihiyan! Amp! (>________<)!!!

          Sinara ko na ang pintuan pero rinig ko pa rin ang tawanan nila at pinag-uusapan pa rin ang kumikinang na kaputian ko. Maputi daw ako sabi ni Mommy. (-____________-)

          Nakabihis na kami at nagsimula ng mag-aral sa may salas sa taas na katapat naman ay ang kanilang veranda. Nagkukwentuhan naman kami habang nag-aaral.

October 15,2011;Saturday

        12:00am. Shoot! Nawalan ng kuryente at sakto namang nagkukwentuhan kami ni Ninang Hanna about sa mga paranormal experiences ko sa school namin. Wala si Mommy kasi bumaba siya. Agad na dumikit si Ninang Hanna sa akin kasi dahil sa napagkwentuhan namin.

          At one place, my whole body mirror sina Mommy at doon ko naaninag ang kababalaghang bumabalot sa bahay nila. Kasi mabigat talaga ‘yung feeling ko nung pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. There was a beautiful girl with no face standing inside the mirror. She was like gentle but in deep pain.

          Mga 30 mins. ang nakalipas at nagkaroon na ulit ng kuryente. Kinuwestyon ko si Mommy kung may babae pa silang nakakasama sa bahay.

          “Ah, ‘yung white lady ba sa kwarto ni Ate? ‘Yung walang mukha?” Ninang Hanna was in shock but I was thinking na kaya pala ganun ‘yung aura sa bahay nila Mommy. Napakaweird lang ng feeling.

          After all the clichés, nagpatuloy kami sa pag-aaral ng nagkwento si Mommy about sa mga spirits na naglulurk sa bahay ni Mommy.

          2:00am. Gising pa rin kami. Nagpaturo na ako kay Mommy sa Algebra kasi inuna kong aralin ang report namin para mamayang 12pm sa English. Kahit kalian proud ako sa Mommy ko lalo na’t nakita ko mga achievements niya sa may salas din. The best talaga si Mommy ko! I love you Mommy! The best pa mag-arug at mag-alaga si Mommy! Wagas lang ang feeling! =)))

          2:55am. Hinihintay pa rin namin nina Mommy ang tawag ni Ate Leslie ng 3am. Pero mukhang dinadalaw na kami ng antok. Hays. (=__________=) Puyat much! XD So nag-alarm kaming dalawa ni Ninang Hanna ng 30 mins. Di pa inaantok si Mommy. So, dapat magising or dapat gisingin rin kami ni Mommy kapag tumawag si Ate.

          …
          … (May naririnig akong boses. Mukhang tumatawag na si Ate…)
          …

          Huh? Anong oras na?! 5:43am!!! Naramdaman ko na lang na umaga nap ala. Hindi pala kami nagising. 30 mins. pala ha. Hoho. XD. Nakatulog pala si Mommy sa tabi ko at ako ang nasa gitna. Awww. Kawawa naman ang Mommy ko! Halos wala na siyang tulog! :| Mahal kita Mommy kaya wag kang magpapagod!

          6:03am. Kumain kami ng breakfast at nagprepare na for school.

          7:15am. Umalis na kami sa bahay nina Mommy. Aww. Till next time!

          8:30am. Whooh! Isang napakahabang biyahe na naman! Nakakastress pala ang ganon. Kawawa naman talaga si Mommy. Hays. I love you Mommy! Nakarating na kami sa school at nagclass na sina Mommy. Ako naman, kumain muna dahil nagutom ako. Hahaha. Tapos, lumabas ako sa school para gawin ‘yung late na pasasalamat na blog ko sa mga bumati sa’kin sa text…

          9:00am-11:30am. Ginawa ko ‘yan for almost 2 hours and a half! à https://www.facebook.com/notes/pareng-royce/to-my-ever-dearest-friends-and-loved-ones-who-feel-my-rebirth/286013521422774

          Eh kasi naman mahirap isa-isahin ang mga text tapos tingin sa PC at itype ‘yung mga ‘yun! EFFORT lang talaga. XD

          11:45am. Bumalik na ako ng school at nagpunta ng Lib. para puntahan sina Mommy at mag-aral pa ako ulit for our reporting.

          12:15am. Magkatabing room lang pala kami ng BSP2. Habang nagrereport kami ng biglang may nagkamali sa pagpasok ng room—natawa naman ako kung sino ‘yung pumasok—si Pinsan Janet. XD Hahaha.

          Tinanong naman agad ako ng mga kaklase ko…

          “Uy Royce! Di ba yun yu ng lagi mong kasama.” Uhuh. ;D Si Pinsan Janet ko ‘yun! XD

          “Yep. Bakit?” (=________________=)

          “Wala lang.” Nang-asar ba? Tss. XD

          01:30pm. Natapos ang last meeting namin sa BASGRAM. PICTURE PICTURE! Remembrance! XD

          05:30pm. Nagpaalam na ako kina Mommy dahil sa sobrang nakakapagod ang araw na ‘to.

          Sobrang nakakapagod lang ang araw na ‘to pero sulit naman dahil sa kanila.

          BSP Family…

      CANDIES Family… <3

      Finals na next week! Kaya ‘to! Aja! =)

Thursday, October 13, 2011

Blazing Edge of Glory

43

Blazing Edge of Glory
(Blazing Edge of Glory)
                                                            
October 13,2011;Thursday

     HAPPY HAPPY BIRTHDAY TO MY EVER DEAREST BABY LABS, Pauline Besmonte! =) I LOVE YOU!

     Grabe lang ‘yung saya kahapon! =) Ngayon. Ngayon ang cheerdance namin! Whooh! Tapos di pala nasabi sa’min na COMPETITION! Darn it!

     Happy Happy Birthday din pala kay future BSP classmate, Arianne Magaling! =)

     “PRACTICE! PRACTICE! PRACTICE!”

     Ayan ang nakatatak sa isipan ko ngayon.

     5:00pm. Nag-ayos na kami for our cheerdance, grabe lang ang mga itsura namin! XD ASTIG! XD Hahaha. Kabado? Ayo slang na OO?? XD

     (Sana makapanood sina Mommy! (>_________<))

     6:00pm. Nagstart ang cheerdance! Tss. Pang 9 kaming nagperform out of 10! Tss.
     Grabe lang ang performance ng Engineering! Wooot! (O____O)!!! Kaganda! Huwaw!

     Ayan napanood pala nina Mommy Jem, Ninang Hanna, at Kapatid Marian ang performance namin! Ang pogi pogi ko daw sabi nina Mommy. Pssh. (>_______<) XD

     Haaay. Nakakapagod. Pero Masaya! =)

TAKE NOTE!

     “Kung sino pa ‘yung mga nakagroup ko ngayon sila pa ‘yung mga nakaaway ko dati. At kung sino pa ‘yung mga kabarkada ko dati, sila pa ‘yung nangneglect sa’min. Buhay nga naman. Hmm.”

Wednesday, October 12, 2011

It was the best day of my happiness in a lifetime

42

It was the best day of my happiness in a lifetime
(It was the best day of my happiness in a lifetime)
                                                            
*Gabi ng October 11,2011;Tuesday*
         
     Sa mga oras na natitira bilang pagiging 16 ko…

     Pinagdarasal ko n asana maging maganda ang kapalaran ko sa pagtungtong ko sa panibagong ibinigay na edad ng Diyos. Para sa akin nakalaan ang mga oras na dapat kong gugulin.

     Hala! Tarang magcountdown!

10…  9…   8…   7…   6…

5…   4…   3…   2…

1!!!

*12:00am;October 12,2012;Wednesday*

HAPPY HAPPY

17TH REBIRTH DAY

to the
Bittersweet Angel,

Raziel Mayfallen!
(Ako ‘Yun! XD :)))

(Mamaya ko ilalagay ‘yung mga bati sa’kin sa text. :P)

     Ramdam ko na ang bungad ng isang magandang umaga sa araw ko. Binati na ako ng family ko. Pinagdadasal ko pero hindi ako nag-eexpect ng masyado sa espesyal sa espesyal na araw na ‘to kasi halos wala naman akong plano. Busy kasi sa cheerdance namin para bukas. Hays. Pero kailangan ko pa rin mag-enjoy kaya SMILE! =D

     6:30am. Wew. Ba’t ang aga ko? Kasi gawa ni Kambal Divine. Magpapatulong siya sa’kin sa project niya sa HTML. Tska for the sake of our practice na rin sa cheerdance.

     8:30am. Nalate si Kambal pero ayos lang ‘yun sa’kin. ‘Yung feeling na habang kasama ko si Kambal, parang isang puso at damdaming nanghihina at nagpipigil sa tuwing kasama ko siya. Kasi alam kong masasaktan ako. Masakit lang. Hays.

     Ilang oras ko ding nakasama si Kambal. May klase siya ng 10:30am at break time ko naman ‘yun. (‘Di na nga ako umattend ng 1st class ko dahil sa practice nung mga 9:00am ng cheerdance)

     Halos bawat kakilala ko; mapaiba’t-ibang courses man sila(BSP, IT/CS, BSM, BSA, BSBA-MA,BAC, etc.). Masaya ako dahil alam kong may mga nagmamahal sa’kin. Lalo na sa mga nakasama ko sa mga oras na ‘yon…

Kambal Divine…

     CICT Family…

BSP1A…

     BSP2A…

at ang

CANDIES Family…

     Sobrang nabuo ang araw ko dahil sa kanila. =”>

     10:30am. Sinamahan ko si PINSAN Janet sa Food Court dahil dropped out siya sa isang class niya for a better reason.

     Umuulan. Malakas ang buhos ng ulan. At dahil dun halos siksik na kami ni PINSAN sa kinauupuan namin. Hongtaray lang talaga ng PINSAN kong ‘to kaya maglalambing ako! PMS Mode! >:D<

     Nakita kami ni Ian(kaBatch ’11 ko na Engineering), ang sinabi ba ga niya aniya ay…

“Nice one, Royce!” (¬______¬)??!

     Ugh. Hayan hagalpak na ng tawa si PINSAN. Ba’t kasi naman lagi na lang ako naiisipan ng ibang tao na may something ako between sa mga girls na makakasama ko? Grabe lang. Bawian ko nga ‘tong si Kambal…

“Kinilig ka naman kagabi sa mga texts ko sa’yo!” >:D<!! Aba’t lalo pang tumawa. Tsss.

“Ang feeling naman! Haha. Grabe lang. Nakakatuwa naman ‘yung mga kaklase mo! Haha.” Get over it PINSAN! Whatever! >:D<

“Naglalambing lang ako PINSAN. =”>” Naglalambing?! Ah okay, sige. Hm. Naglalambing pala ha. Banatan ko nga ng isang malupit na kapit na salita ‘to. >:D<

“Ah. Naglalambing ka pala nun. Paano na kaya kapag nagalit ka na sa’kin eh ‘di minamahal mo na ako nun!? XD Hahaha. Grabe lang pinsan ha. Sobra mo na pala akong minamahal! Hahaha!” Kakautas wagas lang eh. XD

     Malamig pero nang dahil sa hawak ko naman ang kaliwang kamay ni PINSAN w/ my right hand at dahil sobrang magkatabi kami sa isa’t-isa. Si PINSAN talaga! Kahit kelan! Labs na Labs ko pa din! XD Sarap lang niyang kasama. Sa akin lang daw siya ganun(Nagtataray/Naglalambing) XD.
     1:30pm. Class ko na sa English pero minabuti kong hintayin ang iba pang CANDIES(Mommy Jem[Mommy HERSHEY’S], Ninang Hanna[Ninang Nips], Pinsan Odette[Pinsan Gummy Bear], Kapatid Marian[Kapatid Menthie Marshie], Ate Leslie[Ate Wiggles]) including Pinsan Janet[Pinsan Chooey Choco] para kumain ng Lunch.

     Habang kumakain. Ewan ko ba kung bakit nagkaroon kami ng tampuhan ni Ate Leslie. Sa tinawag ko siya sa “Leslie” lang. Ayun nadisappoint.

     Tapos, nakisabay pa ‘yung pasakit ng puso ko. Tss. Kaya siguro akala niya nagalit na ako sa kanya kasi hindi ko na siya iniimikan. After kong makahinga ng maayos, tska ko sinabi ‘yung nangyari sa’kin kay Mommy Jem kung bakit hindi ko siya iniimikan.

     Ayan late na ako ng 30 mins. sa class ko! XD Tapos, ang maabutan ko pala eh ang pagrereport na lang daw namin ay sa make-up class namin sa Saturday. Hays. (=_________=)

     5:00pm – 7:30pm. Ilang oras din kaming nagpractice for our cheerdance for tomorrow. Whooh! Grabe Hongondo na n gaming ipepresent para sa amin. XD =)))

     Heto na. Nasa atrium ako at namamahinga at nag-iisip…

~Sana matupad ‘yung natatanging wish ko sa araw na ‘to ng kaarawan ko…

     Alam niyo kung ano?

17 Hugs = 17 Persons

1 Person = 17 Secs. of Hug

     Sabin g CANDIES, sila na daw ang magtutupad nun, tig3 sila ng hug. Sobra pa nga ng isa eh—18! XD Group hug at individual.

     Bale 3 Hugs equals 51 secs.! XD

     Hinihintay ko silang matapos ang class…

     Hayan… Nasa gitna kami ng Atrium.



     1…

          2…

              3…

WISH GRANTED!!! =D

     Grabe lang ‘yung feeling nung group hug. Di ko maexplain. Basta ang saya saya ko nun. =)

     Tapos, hinug kong una si Mommy Jem sa individual hug namin. =))) Sobrang tagal ng hug ko kay Mommy kasi sobrang labs na labs ko siya. I LOVE YOU MOMMY! =)

     Sunod si Ninang Hanna, Pinsan Odette, Kapatid Marian, Ate Leslie, at Pinsan Janet.

     Hayan, we’re off to our homes na. Inexplain ni Mommy at Ate Leslie about ‘yung side niya.

“Sa tingin ko, kailangan kong mag-adjust sa pagkatao mo, Royce.”

“Hindi. Hindi mo kailangang baguhin ang kung anong meron sa pagkatao mo, Ate Leslie. Kahit ako na lang sana ang mag-adjust. Please. Sana naiintindihan mo.”

Song for this day and night.

~Sa Bingit ng Isang Paalam – Sponge Cola

‘Matatapos ang gabi’t ang nagdaa’y ‘di na mananatili…’

     Natapos ang araw na ‘to… Sobrang saya ko at nabuo nila ang araw ko. Pinapasalamatan ko ang lahat ng mga taong bumati sa’kin sa personal…

BSP Family         Mother Elaine
CICT Family        Inay Kenna
FATE               Noona Sarah
HIDE               FAIth Batch ‘11
Mommy Jem
Kambal Divine
Pinsan Odette
Ninang Hanna
Pinsan Janet
Kapatid Marian
(‘Yung sa text at FB sa pasasalamat na blog ko na lang ilalagay busy pa kasi sa FINALS)

THANK YOU FOR MAKING
MY 17th Birthday a GRAND ONE!

Tuesday, October 11, 2011

Days before such HAPPINESS

41

Days before such HAPPINESS
(Days before such HAPPINESS)
                                                            
October 10,2011;Monday
         
Whoah! Monday na! 2 days na lang before my 17th REBIRTH DAY(BIRTHDAY)! XD Grabe lang. Haha.

          Nakasama ko naman sina Mommy Jem, Ninang Hanna, Pinsan Janet, Pinsan Odette, Ate Leslie at Kapatid Marian. Kaya nabubuo ang araw ko dahil sa kanila, ang CANDIES Family ko. Pati na rin ang future BSP Family ko. Soya lang! =)))

          Grabe! First day din ‘to ng practice naming sa cheerdance! Sakit ng katawan ko! (>_____________<)!!!

October 11,2011;Tuesday

        9am. Late pa nga ako. 9:15am talaga ako nakapasok. Tsss. Pinagreview kami ng 1 hour at pinatapos ng mga programming. Ngayon ang QUIZ namin.

          12pm. Aba! Tingnan mo nga naman at ang QUIZ na sinasabi ay COMPETENCY pala! Grabe! Hanep lang! Buti naparun ko ‘yung program ko sa last minute ng time na 1 hour at kalahati.

          Ayan! Sumakit na naman ang ulo ko sa kakaPROGRAM! Pero nabawi naman dahil sa CANDIES! =))

Monday, October 10, 2011

Pinsan Odette's POV

October 10,2011 - Monday
11:51pm exactly

Pinsan Odette’s POV
- - - Maria Lourdes Caringal Gebilaguin, BSP-2A

          Pinsan, bakit nga ba ganito ang buhay, hindi lang ikaw, ako, at sila ang nagsasabi ng tanong na yan, halos lahat ata ng tao tinatanong yan sa katabi, kapitbahay, asawa, anak, boyfriend, girlfriend, etc. Pero isa lang ang alam ko, tayo lang din ang makakahanap sa sagot ng tanong na yan.
          Sa lovelife mo, ang dami naming nalilink sayo, hahaha, spell charisma - R..-O..-Y..-C..-E. Grabe pinsan ha… :P
          Para ‘to sa mga taong hinihila ang pagkatao mo pababa, “Sige lang, pagpatuloy nyo pa! Akala nyo naman maaapektuhan dyan si pinsan, of course NOT!! Lalo nyo lang pinapakita sa kanya na mas weak kayo kesa sa kanya. Lalo nyong pinatatatag ang personality nya. Kahit ilubog nyo sya ng sagad sa lupa, wa epek kase kaya nyang bumangon sa sariling paa nya. Kuha nyo? Wag kayong OA lage, oh my!! Bakit hindi nyo tingnan ang mga sarili nyo para malaman nyo kung sino ang totoong kayo at ano ang kahinaan nyo. Punta kayo ng CR, malaki ang salamin don, ha!!”
          XD… hahaha… tawa much, tulog na mga tao dito samen. Ako na lang ang gising. Opppsss!!! TIME CHECK!! 12am :)
          Pinilit ko talagang tapusin dahil nagkaroon ako ng interes na basahin to para mas makilala pa kita pinsan…
          I LOVE YOU PINSAN!!
          Para sa araw ko ngayon…
          …
          …
          …
          -- Medyo maaga pa ako nagising, 5:40am…tsk!!! Alam mo ba yung feeling na ang lameeg ng paligid mo, tapos nakakumot ka ng mainit sa pakiramdam tapos… tapos… tapos… takte… ang INGAY ng paligid mo… tsk… asar much… Syempre, wapakels ako kahit anong ingay.. NAMALUKTOT lang ako sa higaan.

          6:30am. Preparation ko na para sa pagtuturo ko sa mga students kong Grade 1 sa BLMCS.
          7:30am. Umalis na ko ng bahay. Sumakay ako ng Tricycle. Kasakay ko ung skulmate ko since Elementary ‘till highskul--si Maria. Kaso suplada ako kaya di ko sya pinansin. Bad ba ko? Nagbyahe ako papunta simbahan, shocks!! I’m so MAAGA para sa 8:00am kong klase. Naggawa muna ako ng visual aids ko.

          8:00am. Religion Time! Nagpunta na ko ng BLMCS. Nagturo na ko. Grabe, nakakapaos lang, nakakapagod pero worth it naman. Namiss ko sila since 2 weeks na kong hindi nagtuturo. I’m SO IRRESPONSIBLE! Ang dami kayang event sa FAITH Daah!!

          9:00am. Tapos na!! Pahinga. Nahiga. Kumain. Magtext. Nothing’s interested. Opps!! Naghintay kay Kambal!

          10:30am Time namin ng STAT. Nasa simbahan pa din ako at iniintay si kambal sa kanyang pagdating. Late din talaga e, tsk.

          10:47am. Super-duper late na kami. Pagpasok namin ng room, nasa kalahati na sila ng lecture. Tss. Wala akong upuan sa tabi ni Jem, sa likod na lang may vacant seats. Tsk. Wala tuloy akong naintindihan. Patay!
                    - - Bagong gupit si Pinsan
          12nn. Lunch time!! With you, Pinsan Royce at Ate Cecille’s Carinderia. Nagustuhan mo ba yung food? Sana! Nagkwentuhan. At…
Tinitigan mo na naman Ako!! Aa, bakit ba kase pinsan?
          Tapos sabi mo pa, mukha akong PUSA, e hindi naman…

          Magsusukat dapat ng corpo kaso boys daw muna. Aa. Sayang oras. Sabi ni Leslie, may HD ka daw sakin. Haha. LOLs/ XD :)
          Hatsoo… Hatsoo… Hatsoo… sinisipon na ko! Whaa O____o

          Pagkatapos ng klase ng chem. Around 5:30pm. Nanood ng BSP-1A sa pagpapraktis ng CHEERDANCE nila para bukas. Well! Speechless!! Shocks! Umula. I love RAIN! Sobra!! Ang saya pag naulan.
          Pagdating ko ng bahay…
          …
          …
          May bago akong cp!! Haha… kaw ang unang nakaalam ng tungkol sa cp ko… So much for this… time check!! 12:36am. Good morning, Pinsan…

          Inga ka. I LOVE YOU, Pinsan!!! Mwa…
          Your part of the Psych Family, specially the CANDIES FAMILY!!

          9:17am

I Love You, Pinsan!!

Advance HB to you!!!

Candies loves you so much!!!





Honkyut ko pala…
Ngayon ko lang nalaman dahil sayo…
Thanks a lot…
Mwa…




Maria Lourdes Caringal Gebilaguin - BSP-2A
Pinsan “Odette”
12:39am